
Cameroon timber
Isang batang lalaki ang nasawi matapos na ilang beses na tuklawin ng cobra sa Barangay Malinawon sa Mawab, Davao de Oro nitong Huwebes.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabi ng Mawab Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na pumanaw ang biktima ilang oras matapos na madala ito sa ospital.
Nagtamo umano ng ilang kagat ng cobra sa katawan ang bata.
Batay sa kuwento ng ina ng bata, nasa taniman sila nang bigla na lang atakihin ng cobra ang kaniyang anak, at tumakbo ito papunta sa kaniya.
Nagpaabot ng pakikiramay ang MDRRMO sa pamilya ng bata.
Paalala ng mga awtoridad sa mga residente, lalo na ang mga nagtutungo sa mga taniman at gubat, laging maging alerto at magsuot ng makapal na kasuotan at boots. – FRJ GMA Integrated News

